PAG-UUSAP (Dialog):
Sa Pamantasan (At the University)
Nasa klase ng Asian Studies sina Malou at Lita sa isang Pamantasan sa California.
Malou: Kumusta?
Lita: Mabuti naman. Ito ba ang Asian Studies?
Malou: Oo. Ako nga pala si Maria Luisa. Malou ang palayaw ko.
----------------
Lita: Ako naman si Carmelita. Carmelita Payumo. Ano ang apelyido mo?
Malou: Macabenta.
Lita: Taga-saan ka sa Pilipinas?
Malou: Taga-Pampanga ang mga Macabenta, pero lumaki ako sa Maynila.
-----------------
Lita: A, ganoon. Kailan kayo lumipat dito?
Malou: Lumipat ang nanay at tatay ko rito noong limang taong gulang ako.
Lita: Saan sila nakatira?
Malou: Nakatira sila sa West Covina. Ikaw, taga-rito ka ba?
-----------------
Lita: Oo. Dumating ako noong dos mil tres.
Malou: E ang mga magulang mo?
Lita: Unang dumating ang tatay ko dahil nasa “Navy” siya
Malou: O, tapos…?
Lita: Tapos, sumunod kaming lahat pagkalipas ng dalawang taon.
----------------
Malou: Tagalog ba ang salita ninyo sa bahay?
Lita: Sa bahay, Tagalog at Kapampangan ang salita ng nanay at tatay ko.
Malou: E, ikaw?
Lita: Tag-lish sa ‘friends’ at Ingles sa ‘school.’
Malou. Nakakaintindi ka ba ng Kapampangan?
Lita: Kaunti lang.
--------------
|