| BABASAHIN (Reading):
- Basahin itong maikling talambuhay ni Dr. Jose Rizal. Read this short biography of Dr. Jose Rizal.
Si Dr. Jose Rizal ang pambansang bayani ng Pilipinas. Ipinanganak siya sa bayan ng Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Ang mga magulang niya ay sina Teodora Alonso Realonda at Francisco Mercado Rizal. Nag-aral siya sa Ateneo de Manila at sa Unibersidad ng Santo Tomas sa Pilipinas. Nag-aral din siya sa iba’t-ibang unibersidad sa Europa. Siya ay dalubhasang doktor sa mata, ngunit siya rin ay isang mahusay na pintor, iskultor at manunulat. Sinulat niya ang dalawang kilalang nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Pinapatay siya ng mga Kastila dahil sa dalawang nobelang ito na nagsisiwalat ng katiwalian ng pamahalaang Kastila sa Pilipinas. Binaril siya sa Bagumbayan na ngayo’y tinatawag nang Luneta noong ika-30 ng Disyembre, 1896. (Nenita Pambid Domingo)
- Salin. Translation.
Dr. Jose Rizal is the national hero of the Philippines. He was born in the town of Calamba, Laguna on the 19th of June, 1861. Teodora Alonso Realonda and Francisco Mercado Rizal were his parents. He studied at the Ateneo de Manila and the University of Santo Tomas in the Philippines. He also studied in various universities in Europe. Rizal was an expert eye doctor, but he was also a skillful painter, sculptor, and writer. He wrote two famous novels :Noli Me Tangere” and “El Filibusterismo.” He was executed by the Spaniards because of these two novels that exposed the corruption of the Spanish government in the Philippines. He was shot to death in Bagumbayan, which is now called Luneta, on the 30th of December, 1896. (Nenita Pambid Domingo)
- Basahin ang teksto sa Filipino at Ingles at isulat ang katumbas (equivalent) sa Filipino ng mga sumusunod: Halimbawa: hero – bayani
- national hero
- physician
- studied
- various
- however, but
- eye
- executed
- because
- novel
- specialist expert
- exposed
- corruption
- government
- was shot
- called, known as
- Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
- Sino si Jose Rizal?
___________________________________________
- Sino ang nanay niya?
___________________________________________
- Ano ang pangalan ng tatay niya?
___________________________________________
- Saan ipinanganak si Jose Rizal?
___________________________________________
- Saan siya nag-aral?
___________________________________________
- Ano ang mga pamagat (title)ng mga nobela niya?
____________________________________________
- Kailan (When) siya pinapatay ng mga Kastila?
____________________________________________
|