|
PAG-UUSAP:
Tumatawag si Joyce kay Eddie…
Joyce: Uy Eddie! Gumising ka na! Anong oras ka ba pupunta rito? Baka tanghaliin na tayo
niyan.
Eddie: Ano ka ba, ang aga-aga pa nangbubulahaw ka na!
Joyce: Gumising ka na! Matrapik sa 405 ngayon dahil lahat ng tao, lumuluwas.
Eddie: O siya, siya! Ikaw na ang panalo. Nandyan na ako nang alas onse!
Joyce: Alas onse! Hindi, pumunta ka dito nang alas nuwebe!
Eddie: O sige! Bye!
----------------
Nasa bahay ni Joyce:
Tok tok tok
Eddie: Joyce…
Joyce: O sige lang pumasok ka na! Umupo ka na lang muna sa sopa at ikaw na ang bahala.
Eddie: Salamat! Teka lang, mayroon ka ba diyang pagkain? Hindi na kasi ako kumain ng
agahan sa bahay eh.
Joyce: Palusot! O sige kung anong mayroon dyan, ikaw na ang bahala. Basta pagkatapos mong
kumain, maglagay ka ng ilang pagkain sa bag para may baon na tayo.
Eddie: Sasama ba sina Mike?
Joyce: Oo, magkikita-kita na raw tayo doon sa Malibu.
-----------------
Habang nagmamaneho
Eddie: O ano ba ang mga plano natin pagdating doon sa Malibu?
Joyce: Ang balita ko kina Mike, magpipiknik daw tayo doon sa tabing-dagat. Magluluto rin daw
tayo doon. Dadalhin nila ang mga hipon, isda at lobster.
Eddie: Hmmmm. Gutom na gutom ako!
Joyce: Tapos, syempre lalangoy sa dagat at baka sa hapon, aakyat tayo sa bundok malapit doon.
Eddie: Hmmm. Mukhang magandang plano ‘yan, ah!
|