Unit 11 - Pag-Ibig (Love, Courtship & Marriage)

home > unit 11 >

TEXT 1

 

Insert…
Abrera’s Cartoon “Harana”

Illustration from Gila Cordero’s book Turn of the Century

 

Ano ang Pag-Ibig?

            Kadalasan, ang unang pumapasok sa isipan kapagka binabanggit ang salitang “pag-ibig” ay romantikong pag-ibig.  Subalit ayon kay Andres Bonifacio na lider ng rebolusyon laban sa gobyerno ng Espanya, wala nang hihigit pa sa pag-ibig sa tinubuang lupa.
            Maraming kabataan ang nag-alay ng buhay para magtamo ng kalayaan sa mga kolonisador ang bayang Pilipinas.  Isa na rito si Jose Rizal, ang pambansang bayani ng Pilipinas.  Sa kanyang tulang isinulat bago siya pinapatay ng pamahalaang Kastila dahil sa dalawang nobela niyang Noli at Fili ay sinabi niya na kung kulang sa kulay ang bukang liwayway ng Pilipinas, isabog ang kanyang dugo at matamis sa kanya ang mamatay upang mabuhay ang Pilipinas.#

           
            Most often, the first thing that comes to mind whenthe word “love” is mentioned is romantic love.  But according to Andres Bonifacio the leader of the revolution against Spain, there’s no other love greater than love of country.

            Countless youth offered their lives for the Philippines to obtain freedom from the colonizers.  One of them is Jose Rizal, the national hero of the Philippines. In his poem written the night before he was executed by the Spanish government because of his two novels Noli and Fili said that if the dawn of the Philippines is lacking in color, sprinkle his blood and it is the ultimate sacrifice for him to die so that the Philippines may live.

Text 1 Task A  

Some of the words in Text 1 are in bold.  They are words with affixes.  In Filipino, there are unlapi (prefix) from two words unahan and lapi, gitlapi (infix) from the two words gitna and lapi, hulapi (suffix) from the words huli and lapi.  The following are the affixes used in the text:  ka-an,-um-, - an, -in- mag-, i- and ma-.  Other words have repeated syllables in them.  Get the root words from the following words:

1.  kadalasan                          _____________________
2.  pumapasok                _____________________
3.  isipan                                _____________________
4.  binabanggit               _____________________
5.  hihigit                               _____________________
6.  pag-ibig                             _____________________
7.  kabataan                           _____________________
8.  nag-alay                            _____________________
9.  magtamo                           _____________________
10.  kalayaan                         _____________________
11.  isinulat                           _____________________
12.  pinapatay                        _____________________
13.  sinabi                              _____________________
14.  mamatay                         _____________________
15.  mabuhay                         _____________________

Text 1 Task B  

  1. Ano ang unang pumapasok sa isipan kapagka binabanggit ang salitang “pag-ibig”?
  2. Ayon kay Andres Bonifacio anong pag-ibig ang wala nang hihigit pa?
  3. Sino si Andres Bonifacio?
  4. Sino si Jose Rizal?
  5. Anong mga nobela ang sinulat ni Rizal?
  6. Bakit ipinapatay si Rizal ng pamahalaang Kastila?
  7. Ano ang sinabi ni Rizal sa kanyang tula?
  8. Kailan isinulat ang tula?
  9. Ano ang iyong lupang tinubuan?

 

Text 1 Task C

  1. Anu-anong uri ng pag-ibig ang masasabi mong naranasan mo na?
  2. May paborito ka ba o nalalamang sipi (quotation) tungkol sa pag-ibig?  Ibahagi sa mga kamag-aral  at ipaliwanag ang kahulugan nito.
  3. Kung ikaw ay Pilipino at nabuhay ka sa panahon ng panankop ng mga Kastila, gagawin mo ba ang kanilang ginawa na pag-aalay ng buhay sa bayan?