| TEXT 2
“No Touch”
Inawit ng “Juan del Cruz Band”- 1970’s
I
Dead na dead talaga ako
sa mga pakembot-kembot mo
kapag ikaw ay ngumingiti
ako’y medyo nakikiliti
II
kailangan ko ang iyong labi
kailangan ko ang iyong pisngi
kailan kaya kita maiuuwi
sige na 4x
III
Noon pa man ikaw na talaga
pangarap ko sa tuwi-tuwina
kailan kaya kita mai-score
kailan kaya kita maaarbor.
Ulitin ang II
IV
Pahipo naman (no touch)
pahawak naman (no touch)
nang ‘di na kita ma-chancingan. (chance)
Instrumental
V
‘Pag lumakad ka ika’y nakakatukso
nakakabaliw ang bewang mo
ako’y nadiya-diyaheng lumapit sa ‘yo
masyadong “class” ang mga porma mo.
Ulitin ang II at IV
Bokabularyo:
patay na patay- head over heels
porma- appearance
pakembot-kembot- sashaying of the hips
nadiya-diyahe (imp)- embarrassed
tuwi-tuwina- everytime
mai-score- slang, will get
maaarbor- same as previous
hipo, hawak- touch
chancing- make a pass
nakakatukso- alluring
Text 2 Task A Grammar
Iskrip ng Pagsasanay na Pasalita. Aawitin ng mga lalake ang naka bold na teksto at sasagot ang mga babae na paawit din na gumagamit ng panghalip sa ikalawang panauhan. Una, isulat muna ang wastong anyo ng panghalip.
I
MGA LALAKE: Dead na dead talaga kami
MGA BABAE: Dead na dead talaga _______________ (ANG pronoun, 2nd person plural)
L: sa mga pakembot-kembot n’yo
B: sa mga pakembot-kembot ________________ (NG pronoun, 1st person plural excl.)
L: kapag kayo ay ngumingiti
B: kapag ___________________(ANG pronoun, 1st person pl. excl.) ay ngumingiti
L: ________________’y (ANG pronoun, 1st person pl.) medyo nakikiliti
B: ________________’y (ANG pronoun, 2nd person pl.) medyo nakikiliti.
II
L: Kailangan namin ang iyong labi.
B: Kailangan ___________ (NG pronoun 2nd person pl) ang aking labi
L: kailangan namin ang iyong pisngi
B: kailangan ninyo ang aking pisngi
L: kailan kaya kita maiuuwi
B: Kailan kaya ako maiuuwi.
LAHAT: Sige na sige na. LAHAT: Sige na sige na.
III
L: Noon pa man ikaw na talaga
B: Noon pa man ___________ (ANG pronoun, first person singular) na talaga.
L: Pangarap ko sa tuwi-tuwina.
B: Pangarap___________(NG pronoun, 2nd person pl.) sa tuwi-tuwina.
L: Kailan kaya kita mai-score?
B: Kailan kaya kayo mai-score?
L: Kailan kaya kita maaarbor?
B: Kailan kaya kayo maaarbor?
IV
L: Pahipo naman.
B: (No touch)
B: Pahawak naman
L: (No touch)
L at B: Nang ‘di na kita ma-chancingan
V
L: Kapag lumakad ka ika’y nakakatukso
B: Kapag lumakad ako kayo’y natutukso
L: Nakakabaliw ang bewang mo
B: Nakakabliw ang bewang _____________. (NG pronoun, 1nd person plural, excl.)
L: Ako’y nadiyadiyaheng lumapit sa ___________( SA pronoun, 2nd person, singular)
B: Kayo’y nadiyadiyaheng lumapit sa ____________( SA pronoun, 1st person sing.)
L: masyadong class ang mga porma ____________(NG pronoun 2nd person sing.)
B: masyadong class ang mga porma __________( NG pronoun, 1st person sing.)
B: Kailangan ko ang iyong labi
B: Kailangan ko ang iyong pisngi
L: sige na, sige na. L: Sige na, sige na.
Text 2 Task B
1. Batay sa ibinigay na listahan ng mga bokabularyo, gumawa ng salin sa Ingles ng awit.
Text 2 Task C
- Anong uri ng pag-ibig ang inilalarawan sa awit?
- Kinagawian na na lalake ang nanunuyo (suyo) sa babae. Sa panahon ngayon ng peminismo at “women’s lib,” ibigay ang inyong opinyon hinggil sa babae na nanliligaw sa lalake. Maaring pagtunggalian ng dalawang grupo ng estudyante ang dalawang magkasalungat na opinyon sa isang debate.
|