Unit 12 - Pananalig at Pananampalataya (Faith & Belief Systems)

home > unit 12 >

DIALOG:  Gumagawa ng Gawaing Bahay si Dhelia at si Agnes tungkol sa pananalampataya

DHELIA:  Agnes, kailangang pag-usapan na natin ang report natin sa Comparative Religion.

AGNES:  Sa palagay ko, pwede nating sabihin na ang tatlong pinakamalaganap na paniniwala o pananamplataya e Katolisismo, Budismo at Islam.

DHELIA:  Yung Katolisismo e yung Romano Katoliko, Greek Orthodox Chiurch at saka  basta naniniwala sa Kristo. Sa tingin ko hindi dapat tawaging “dakila” kasi sa palagay ko lahat ng pananampalataya dapat tingnan na pantay-pantay.  Ke animismo o Jainismo o paniniwala ng mga milenaryo sa Bundok Banahaw, basta maaring tumulong sa tao na mabuhay nang maayos sa mundo.

AGNES:  Napansin ko na itong tatlong itinuturing na “Great Religion” nanggaling sa Asya.  Mukhang malaki ang impluwensiya ng Judeo-Christian belief, at saka ng Budismo, lalo na dun sa mga new age ngayon. Sa Budismo, kailangang igalang ang lahat ng mga nilikhang may buhay.  Hindi sila pwedeng kumain ng karne. 

DHELIA:  Yung Kristiyano, kapag Ash Wednesday lang at Biyernes ng Mahal na Araw lang hindi pwedeng kumain ng karne.  Sa Islam naman, hindi sila pwedeng kumain ng  karne ng baboy.

DHELIA:  Ang dami-dami palang iba’t ibang pananampalataya.  Yung iba nagsasabi na hindi kailangan ng tao ang Diyos o supernatural power katulad ng humanismo, aetheismo, at agnostisismo. Yung Taoism, tingnan mo, ang kailangan lang daw, “simplicity at selflessness” walang diyos.  Si Lao Tzu daw ang nagtatag ng relihiyon at pilosopiya.  Ang Islam, si Propetang Mohammad.

AGNES:  Eto yatang Katolisismo, Budismo, at Islam, kailangan silang mag-ayuno, yung fasting.  Sa Katoliko, kapag mahal na araw, sa Islam naman dapat silang mag-Ramadan, at sa Budismo naman... hindi ko alam.

DHELIA:  May kaibigan ako nagyo-yoga.  Kailangan nilang mag-fasting minsan sa isang buwan, walang tubig o pagkain mula pagsikat ng araw hanggang sa pagsikat uli ng araw kinabukasan.

AGNES:  Ano ba talaga ang dahilan, para linisin ang budhi at mabawasan ang mga kasalanan nila?

DHELIA:  Mukha.  Tingnan mo.  Ang Katolisismo at saka Islam, parehong may “religious wars” pero ang Budismo na napakalganap din, hindi nanggigiyera.  Pareho sa Pilipinas ‘di ba?  Dala ng Espanya ang Krus at Espada at tulad sa Moro-Moro, talo ang mga infidel at panalo ang Kristiyano.  Dapat daw kasing sibilisahin ang mga katutubo.

AGNES:  E dapat lang, kasi kasama sa paniniwala ng Budismo ang “non-violence.”  Alam mo, akala ko boring itong klase pero interesante pala. Dapat lang, bukas ang isip. Naniniwala ka ba na ang Diyos inimbento lang ng tao?
 
DHELIA:  Hindi ko alam, kailangan kong pag-isipan ‘yan.  O sige, dapat i-type na natin itong report.  Pwedeng ikaw na lang ang mag-type?

AGNES:  Ha? A, e, o sige na nga! 

DHELIA:  O sige, magkita na lang tayo bukas sa klase.  Kailangang gandahan mo ang pag-type ha?  Hindi pwedengmay mali, at dapat dumating ka nang maaga kasi ipu-proof-read ko pa ‘yan.