Unit 13 - Kulturang Popular (Popular Culture)

home > unit 13 >

 

BABASAHIN 1

 

Una sa lahat, i-“google” ang mga ito:

Pawainc.com
Santiago Bose: Homegrown
Mel Veracruz
Terry Acebo Davis
Johanna Poethig
Anthony Cruz Legarda
Joey Ayala
sfgate.com (look for chronicle podcast)

Si Anthony Legarda ay isang ‘fashion designer’ na gumagamit ng tela at disayn ng Filipino sa lahat na binibenta niyang damit. Magagara ang kumbinasyon na lumalabas pag hinahalo ang mga disenyo at tela ng Pilipinas sa mga bagong istura ngayon. Para sa babae at lalake ang mga damit na inililikha ni Anthony Legarda.

Ang PAWA ay isang grupo sa San Francisco Bay Area ng mga artist at manunulat. Pawainc.com ang kanilang website.

Si Santioago Bose ay isang artist (pintor, photographer, installationist, mixed media) na based sa Pilipinas. Namatay siya noong 2002. Limamup’t apat na taong gulang pa lang siya noong namatay.

Si Mel Veracruz ay nakatira sa Union City, California. Isa na sa mga role model niya si Santiago Bose. Marami na rin siyang nagawang mga eksibit sa Bay Area at lampas pa roon.

Si Terry Acebo Davis ay isang Pinay na may halong puti. Nars siya. Nakatira siya sa Palo Alto, California, malapit sa Stanford University.
Si Johanna Poethig ay isang artist na puti ngunit lumaki sa Pilipinas. Siya ay mahusay sa “mural” painting. Karamihan sa mga likhang sining pader o paglikha sa mga dingding ng gusali (murals) ay gawaing bayanihan. Pinamamahalaan niya ang pag-gawa ng mga murals mula sa mga bata hanggang sa mga iba’t ibang idad na tao.

(Students are encouraged to draw, paint, take/show visuals; create verses, spoken word, balagtasan; make music from indigenous instruments; and perform other art forms. This lesson will involve students in artistic endeavors and activities. They will not simply study art, but do it. Besides having a product, students are expected to also answer some comprehension questions prepared by the teacher.)