|
GAWAIN
Paano Tumingin Ng Isang Art Work, ng isang likha ng artist? Gamitin ang internet. I-google at hanapin ang mga piyesa nitong mga artist. (here the class will spend time looking at the art works of these artists.)
1) Unang una, tingnan ng mabuti at matagal ang isang piyesa. Anu-anong bagay
ang nakikita mo? Anu-anong kulay?
2) Ano ang pakiramdam mo pag pinag-mamasdan mo ang mga bagay at kulay na ito?
Bakit ganoon ang pakiramdam mo? May mga naaalala ka ba o natatandaan
habang tumitingain ka? Anu-ano iyon?
3) Ang pagpoposisyon ba o pagsasa-ayos ng mga bagay ay kawili-wili at hindi
pangkaraniwan? Bakit naman? Parang bang may mga ibinubulong sa iyo ang mga piyesa o mga bagay at kulay ng piyesa? Ano iyon? Ano ang mga “ebidensya”mo?
4) Anu-ano, sa palagay mo, ang iniisip ng artist habang inililikha niya ito.
5) Anu-ano ang kaugnayan nito sa iyong buhay (o sa buhay ng iba) ngayon?
|