|
PAG-UUSAP
Oscar: ‘Lika, puntahan natin yung eksibit ni Santiago Bose.
Luisa: Eksibit? Sa Pusod ng Berkeley ba iyon o sa Yerba Buena Center ng San
Francisco? Teka, Sino ba si Santiago Baso?
Oscar: Bose, Luisa. Bose ang apelyido niya. Santiago Bose. Santi ang tawag sa kaniya ng
mga kaibigan niya. Yun ang palayaw niya.
Luisa: Sus, tingnan mo ito. Tama ka na. Sa pagsasalita mo, para mong barkada si
Santiago Bose.
Oscar: Hindi naman. Mas matanda iyun sa akin. Barkada ‘yun ng tiyo ko.
Luisa: O, talaga? Kaya naman pala, eh.
Oscar: Oo. Kaya gusto kong makita ang eksibit niya. Sa Pusod ba iyon sa Berkeley, o
sa Yerba Buena sa San Francisco?
Luisa: Aba, eh, siguraduhin mo. Malayo yata ang Bekeley sa San Francisco.
Oscar: O, eto ang “flyer”. Ah, sa San Francisco pala. ‘Lika, puntahan natin.
Luisa: Sige. Matingnan nga. Bose, ha?
Oscar: Oo. Santiago Bose. Namatay na siya. Limampu’t apat na taong gulang lamang
siya noon namatay.
Luisa: Hindi ko pa nakikita ang mga nilikha niya. Ni isa wala pa akong nakita.
Oscar: Ako rin. Kaya tara na! Pero, natatandaan ko siya. Paminsan minsan, pag nasa Bay
Area siya, bumibisita iyun sa tiyo ko. Doon ko siya nakikita. Karakter yun!
Luisa: Ganoon ba? May artist ba na hindi karakter? Lika, tingnan natin ang mga gawa
niya. Eksibit sa Yerba Buena kamo? O, di mag-subway na lang tayo. Teka ano ba
ang ibig sabihin ng pusod?
Oscar: May ibig sabihin yun. Acronym lang iyun. Alam mo naman ang mga Pinoy
mahilig sa mga acronym. Sige igoogle natin mamiya ang PUSOD kung gusto
mong malaman.
Luisa: Areglado!
|