Unit 14 - Napapanahong Usapin (Contemporary Issues)

home > unit 14 >

 

 

BABASAHIN  2

Mga Beteranong Pilipino ng WWII
Ika-26 ng1941 Ang Pilipinas ay sakop pa ng Estados Unidos.  Si Presidente Roosevelt ay nagalala sa malamang na digmaan laban sa Hapon. Naglabas siya ng Executive Order na tumatawag sa higit na 200,000 ka wal na Pilipinong magsilbi sa USAFFE  (United States Armed Forces in the Far East).
Ika- 8 at ika-12 ng Disyembre 1941 Binomba ng mga Hapon ang Pilipinas sampung oras pagkatapos nilang lusubin ang Pearl Harbor.  Napasama ang mga Pilipino sa digmaang pandaigdig.
Ika-27 ng Marso 1942  Ginawang batas ng U.S. Congress ang Title 8 of the Second War Powers Act. Ang mga di-mamayan na nagsisilbi sa mga hukbo ng Estados Unidos sa WWII ay binigyan ng “U.S. citizenship”. Dahil ditto, ang bawat kawal ng  USAFFE ay may karapatan sa ilalim ng batas.. Ito ay gawad ng  “fourteenth ammendment” ng saligang batas (constitution) ng Estados Unidos.
Ika-9 ng Abril 1942 Sumuko sa Hapon ang E.U. kasama ang 75,000 kawal ng USAFFE at ng ibang hukbo ng E.U.  Bataan.  May sampung libong (10,000) bihag na kawal ang namatay sa  ‘Death March”. Ngunit pagsuko ng mga Amerikano,  nagtatag pa rin ng ma grupong gerilya ang mga Pilipino at nagpatuloy sa paglaban sa mga Hapon..  
Ika-2 ng Setyembre 1945  Isinuko at ibinalik ng mga Hapon sa E.U. ang Pilipinas. Ang mga Pilipinong nagsilbi sa hukbo noong digmaan ay humingi na maging mamayan ng E.U.
Nagtatag and E.U. ng bagong Philippine Scouts at ilang libong kawal pa rin ang nagsilbi sa baying Amerika.
Nobyembre 1945  Iniutos ng “U.S. State Department” at ng INS Commissioner na itigil ang pagtanggap ng aplikasyon sa “naturalization” ng mga beteranong Pilipino.
Disyembre 1945 Binago ng U.S. Congress ang batas sa “immigration and naturalization” at ginawang Disyembre 1946 ang taning upang mag-‘apply’ para sa ‘citizenship’ ang mga beteranong Pilipino
Ika-18 ng Pebrero 1946 Isinabatas ng U.S. Congress ang Title 38 Part I Chapter 1 Secton 107, na tinawag na “1946 Rescission Act”. Ayon sa batas na ito, ang mga beteranong Pilipino sa WWII, kasama rin ang USAFFE, mga gerilya, at New Philippine Scouts,  ay hindi tulad ng ibang kawal na Amerikano sa sahod at mga benepisyo. 
Oktubre 1990 Nakapasa ang “1990 Immigration and Naturalization Act” na nagbigay ng ‘U.S. Citizenship’ sa mga beteranong Pilipino ng WWII,  apatnapu’t apat na taong matapos isagawa ang ‘Rescission Act’.  Dumating sa Amerika ang 24,000 beteranong Pilipino ng WWII, mga 70 hanggang 80 gulang na, ngunit  hindi pa rin binigyan ng mga kapakanang tulad ng ibang beteranong Amerikano.


ANGKOP  NA  TALASALITAAN
  1. Sakop            -            occupied; colonized
  2. Nag-alala-            worried
  3. Digmaan-             war
  4. Naglabas-            took out;  promulgated
  5. Kawal-             soldier
  6. Magsilbi-            to serve
  7. Binomba-            bombed
  8. Lusubin-            attack;  attacked
  9. Hukbo-            armed forces;  army; army unit
  10. Gawad-            granted; awarded
  11. Sumuko-            surrendered
  12. Bihag-              prisoner;  hostage;  captured
  13. Pagsuko-            surrender
  14. Nagtatag-            founded; established
  15. Nagpatuloy-            continued; proceeded
  16. Taning-            deadline
  17. Sahod-             wage; salary
  18. Isinabatas-            made into law; legislated

 

 

BALARILA  at  PAG-UUNAWA

Ang bawat estudyante ay dapat sumulat ng sampung (10) tanong tungkol sa babasahing “Mga Beteranong Pilipino ng WWII”.   Pagkatapos, magpapalitan sila ng mga tanong at sasagutin ang mga ito.  Isalo sa buong ang mga nagawang tanong at sagot.