| BABASAHIN 2 (Text 2) Kapwa
Ayon sa Ama ng Sikolohiyang Pilipino na si Virgilio G. Enriquez, ang “kapwa” ang ubod at pundasyon ng halagahing pantao ng Pilipino at ng kanyang pakikipag-ugnayan. Siya ay may pakiramdam, marunong makisama, may utang na loob at may hiya. Kung kaya ang isang taong “walang kapwa” ay walang pag-asa at itinuturing na napakasama, di Pilipino, di tao.
Talasalitaan:
ayon sa according to
ubod core
pundasyon foundation
halagahing pantao human value
pakikipag-ugnayan interaction with other people
pakiramdam feeling
marunong makisama knows how to go along with
utang na loob debt of gratitude, favor
hiya shame, feeling of inferiority, not frank or forward
pag-asa hope
itinuturing regarded
napakasama, evil, very bad
tao human
Text 2 Gawain A Gawaing Panggramatika Balik-aral ng Pananda
Sabihin kung anong ginagampanan ng pananda sa mga parirala sa ibaba na kinuha mula sa teksto: paari, pangatnig, nagpapahiwatig na “identificational” ang pangungusap, o nagsasaad ng pangungusap na nauuna ang paksa.
1. Ama ng Sikolohiyang Pilipino _________________________
2. ang “kapwa _________________________
3. ang ubod _________________________
4. halagahing pantao ng Pilipino _________________________
5. Siya ay may pakiramdam _________________________
Text 2 Gawain B Pag-unawa
- Sino si Virgilio G. Enriquez?
_____________________________________________________________________
- Anu-anong halagahing pantao ang iyong pinahahalagahan?
_____________________________________________________________________
- Ayon kay Virgilio Enriquez, ano ang ubod at pundasyon ng halagahing pantao ng Pilipino?
_____________________________________________________________________
- Ano raw ang katangian ng mga Pilipino?
_____________________________________________________________________
- Ano ang turing sa isang taong walang kapwa?
_____________________________________________________________________
Text 2 Gawain C
- Sa iyong palagay, unibersal ba ang konsepto ng kapwa? Pangatwiranan ang iyong sagot sa pamamagitan ng espesipikong halimbawa
- Sumasangayon ka ba kay Enriquez na ang taong walang kapwa ay walang pag-asa, di tao, di Pilipino? Ipaliwanag ang iyong sagot.
|