Unit 15 - Kaugalian, Halagahin, at Pagkatao (Customs, Values & Character)

home > unit 15 >

SKIT

 

Pagsasadula-  Groups will choose a skit topic to present in class, containing cultural topics, vocab, expressions, grammar, and building on previous Units

Iskit 1:  Nag-imbita ang isang Amerikano sa Pilipino sa isang party.  Akala ng Pilipino, may pagkain, e wala palang pagkain na “totoo” sa mga party ng puti.
Iskit 2:  FOBS (Fresh off the Boat) vs. FABS (Filipino American Born)
Iskit 3:  Nag-imbita ang isang Pilipino sa isang taong hindi kumakain ng karne sa handaan sa kanyang tahanan

PAGTATASA - Assessment

Rubric para sa Pasalitang Gawain

  1. Napakahusay
    1.         Kainaman
  2. Pagbutihin

 

Mga Batayang Sangkap

Eskala

Komentaryo

Organisasyon, simula, gitna, katapusan

  1      2      3

 

Bokabularyo, bago, salawikain

  1      2      3

 

Balarila, pandiwa, aktor

  1      2      3

 

Bigkas, intonasyon, diin, p/t/k/ ng

  1      2      3

 

Dulas ng dila

  1      2      3

 

Nilalaman

  1      2      3

 

Rubric para sa Pasulat na Gawain

 

Organisasyon

Pagpili sa salita at kontrol ng wika

Nilalaman at kabuuan

4

May paksang pangungusap at tatlo o higit pang detalyeng sumusuporta sa paksa.  Maayos at lohikal ang paglalahad na ginagamitan ng mga pangatnig.  Gumamit ng mga talata para sa bagong ideya at akmang transisyon.  Malinaw ang simula, katawan at katapusan.

Wasto ang paggamit ng mga mga bagong salitang natutuhan at akma ang gamit sa konteksto ng pinapaksa.  Gumamit ng mga abilitative/aptative na pandiwa at causative na pandiwa kung saan nararapat.  Isa o dalawang pagkakamali sa balarila.

Tinalakay nang buo ang pinapaksa at nagbigay ng malinaw na mga halimbawa o mga detalye upang  maiparating sa mambabasa ang gustong ipahatid.

3

May simula, katawan, at katapusan.  Gumamit ng akmang transisyon.  Ang ilang maling bantas o kawalan ng bantas ay nakalilito sa ideyang nais ipahatid.

Tatlo-apat na pagkakamali sa balarila.  Sa kalahatan, mabuti ang paggamit ng bagong bokabularyo, mga pangatnig, pandiwa at aktor.

Sa pangkalahatan ay nauunawaan ang sinulat dahil sa mga detalyeng nagbigay kabuuan sa nais ipakahulugan..

2

Medyo lohikal ang pagkakasunud-sunod ng mga pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan ng panulat.  Isang kahinaan ang wastong pagbabantas.

Mangilan-ngilang pagkakamali sa gamit ng salita at ng bagong natutunang mga pandiwa.  Hindi gumamit ng nararapat na pangatnig.

May bahagyang linaw sa paglalahad ng nais ipakahulugan subalit hindi nagbigay ng iba pang detalye na higit na makapagpapalinaw ng diwa ng paksa.

1

Maligoy ang panulat.  Hindi lohikal at maayos ang pagkakasunud-sunod ng ideyang gustong ipahayag.  Walang malinaw na simula, katawan at katapusan.   Wala o hindi wasto ang mga bantas sa panulat.

Maraming pagkakamali sa gamit ng pangatnig, panghalip na gumagawa ng aksiyon at pokus ng pandiwa.  Marami ring kamalian sa pagbaybay ng mga salita.

Hindi nakalikha ng isang kabuuang ideya tungkol sa pinapaksa. Kulang sa detalye.

Halaw mula kay Laura Lindell, “Grandparents and Grandchildren,” to fulfill requirements of POLIA Workshop, July 26, 2001.