PAG-UUSAP:
“Parangal”
Nestor: Magkakaroon daw ng isang parangal
kay Propesor Domingo sa a-kinse ng Nobyembre.
Romy: Hindi ba siya iyong Visiting Professor mula sa U.P?
Nestor: Oo. Siya nga. Nagtuturo siya ng Panitikang Pilipino
dito sa Asian Studies Department. Itong “sem” lamang.
Romy: Itong sem lang pala! Akala ko “tenured” na.
Nestor: Hindi. Isa lamang ang permanenteng propesor na Pilipino sa kampus natin.
Kaya nga gusto kong pumunta sa parangal. Dadalo rin ang Dean ng Humanities at ilang mga kilalang manunulat na Pilipino-Amerikano dito sa California. Magkita tayo doon, ha?
Romy: Hindi pa ako sigurado. Anong oras ba iyon? May “study group” kasi ako ng mga alas tres, sa Evans.
Nestor: E, alas singko pa naman ang parangal, e. Sa Faculty Club.
Malapit lang sa Evans iyon. Dumalo ka muna sa parangal.
Tapos, magtuloy ka sa “study group” mo. O, sige. Sa a-kinse ng alas
singko, sa Evans, ha?
Romy: Sige, Malamang..
Nestor: Iyan ang gusto ko sa iyo. Marunong makisama. |