BABASAHIN 2:
Bukod sa Pasko, Mahal na Araw at mga pista ng mga patron ng bayan-bayan, ang Araw ng mga Patay ang isa sa pinakamahalagang pistang ipinagdiriwang ng mga Pilipino. Ayon sa mga matandang paniniwala, ang mga kaluluwang nasa limbo ay lumilibot sa lupa at nag-aantay na makapasok sa langit sa gabi ng a-31 ng Oktubre. Upang makapasok sila sa langit, kailangang ang mga tao sa lupa --lalo na ang mga kamag-anak-- ay magdasal para sa kaluluwa ng yumao.
Besides Christmas, Holy Week and feasts of patron saints of each individual towns, All Souls’ Day is one of the most important feasts that Filipinos celebrate. According to ancient beliefs, spirits in limbo (“purgatory?” a place believed to be near hell) hover the earth waiting to enter heaven on the night of October 31st. In order to enter heaven, people on earth --especially family members-- need to pray for the souls of the departed.
Search for the Filipino equivalent of the following words used the text above:
- bukod___________________________________
- Mahal na Araw___________________________
- mga patron_______________________________
- bayan-bayan______________________________
- pinakamahalaga___________________________
- ancient belief_____________________________
- lupa____________________________________
- nag-aanatay, naghihintay____________________
- makapasok_______________________________
- kamag-anak______________________________
Comprehension Questions:
- Anu-ano ang mahahalagang o importanteng pista na ipinagdiriwang ng mga Pilipino?
- Ano namang mga pista sa Amerika ang pinahahalagahan?
- Ano ang limbo?
- Sino sa palagay mo ang napupunta sa limbo?
5. Paano makakapasok sa langit ang mga kaluluwang naglilibot?
Tungkol sa iyo: About yourself:
- Ano ang ginagawa ng nakatatanda sa inyong pamilya kung Todos Los Santos?
- Sinong malapit sa iyo ang yumao na (passed away)?
- May espesyal na araw ba kung kailan inaalala (remembered) at ipinapakita (show) ang inyong pagmamahal sa kanya kahit siya’y wala na?
- Ano ang inyong ginagawa para alalahanin ang inyong mga mahal sa buhay?
|