|
PAG-UUSAP:
Nasa bahay si Jennifer, isang freshman sa kolehiyo, at si Lola Toyang. Kararating lang ni Lola Toyang sa Amerika galing sa Pilipinas.
Jennifer: Lola, ano ‘yang niluluto mo? Masarap ang amoy!
Lola: A, ito? Malagkit na may gata
Jennifer: Biko ba yan Lola?
Lola: Parang gano’n na rin, pero hindi ito kinakain na may latik.
---------
Jennifer: Sinong may bertdey Lola?
Lola: Wala. Itong nakalagay sa plato, hindi ito para kakainin.
Jennifer: E para ano po ‘yan?
---------
Lola: Atang ito.
Jennifer: Ano pong atang?
Lola: Yung pagkain para sa patay.
---------
Jennifer: Pwede rin po bang kainin yan pagkatapos?
Lola: Pwede naman. Sa Pilipinas ipinagdarasal namin ang mga patay kapagka ganitong undas.
---------
Jennifer: Ano pong undas?.
Lola: Todos los Santos. Araw ng mga patay. Ilang araw bago mag Todos los Santos, nagpupunta kami sa pantiyon para mag-alis ng damo, linisan at pintahan ang puntod ng Lolo n’yo at ni Mamang at Papang
Jennifer: E sa gabi po?
Lola: Yung iba nagpapalipas ng gabi sa sementeryo. Ganoon kami noong bata pa ako. Pagkatapos, sa Araw mismo ng mga Patay, nagpupunta kami sa sementeryo at nagdarasal para sa kaluluwa ng mga kamag-anak natin. May pagkain, tawanan at kuwentuhan.
Jennifer: Akala ko malungkot.
Lola: Aba hindi. Minsan nga may ferris wheel pa roon. At naglalaro ng pusoy ang mga tiyo mo sa ibabaw ng puntod.
----------
Jennifer: E Lola, para rin palang Halowin ‘yang Araw ng mga Patay. Parehong masaya. Kaya lang, dito, nagko-costume at nag ti-trick or treat ang mga tao.
Lola: Oo nga ano.
Jennifer: ‘La, gusto n’yong sumama sa Knottscary Farm? May mga nakakatakot na multo doon. Katuwaan lang.
Lola: Hindi na. Para sa mga bata lang ‘yan. Kung gusto mong matakot, kukuwentuhan na lang kita ng mga aswang at tikbalang.
|