Pag-uusap 1
Nawawala ang isang binata at humuhungi siya ng direksyon sa isang mama.
Joey: Mawalang galang na po. Puwede pong magtanong?
Mang Ben: Oo. Ano iyon?
Joey: Alam po ba ninyo kung paano pumunta sa Ralph’s?
Mang Ben: Madali lang iyan. Nasa Le Conte St. tayo ngayon. Maglakad ka lang ng isang kanto at lagpasan mo ang ilaw. Tapos, nasa kanan mo na ang Ralph’s.
Joey: Salamat po!
Mang Ben: Walang anuman.
Joey: Excuse me Sir. May I ask you a question?
Mang Ben: Sure. What is it?
Joey: Would you know how to get to Ralph’s?
Mang Ben: That’s easy. We’re on Le Conte. Walk one a block and go past the stop light.
Ralph’s is on your right.
Joey: Thank you sir!
Mang Ben: You’re welcome.
Tasha: Hoy, Lyn. Alam mo ba kung nasaan ang bus stop dito?
Lyn: Oo, nandoon lang, malapit sa simbahan. Dumiretso ka lang sa kalye Federal at
kumaliwa ka pag nakita mo ang simbahan sa kalye Santa Monica.
Tasha: Salamat! Diretso sa Federal at kaliwa sa Santa Monica. Tama ba?
Lyn: Oo, tama! Mag-ingat ka!
Tasha: Hey Lyn! Do you know where the bus stop is around here?
Lyn: Yes, it’s just over there, near the church. Go down to Federal and turn left
when you see the church on Santa Monica Street.
Tasha: Thanks! Straight on Federal and left on Santa Monica. Is that right?
Lyn: Yes, that’s right! Take care!