| PAG-UUSAP
"POT LUCK"
(Nag-uusap sina Carol, Margie, at Lino tungkol sa nalalapit na "potluck" nila sa Asian Club.)
Carol: Ano, Lino? Naisip mo na ba kung ano ang dadalhin mo sa ating "potluck" sa Linggo?
Lino: Hindi pa nga, eh. Tulungan kaya ninyo ako, kasi ang ating napagkayariang mungkahi ay ang magdala ng pagkaing katutubo sa iyong lahi.
Margie: Bakit hindi ka magluto ng adobo? Masarap ang adobo mo.
Lino: Alin iyon bang adobong baboy?
Margie: Hindi, 'yong adobong manok at baboy.
Carol: Oo nga, Lino, iyon na lang. Masarap iyon.
Lino: O, sige, adobong baboy at manok. Carol, mayroon akong alam na masarap mong lutong Pilipino.
Carol: Alin iyon?
Lino: 'Yong Pansit Bihon mo.
Carol: Ay, hindi ko luto iyon. Ang Nanay ko ang masarap magluto ng Pansit Bihon. Hayaan mo. Iyon ang dadalhin ko. Hihingin ko ang resipe sa Nanay at patuturo ako.
Margie: Bigyan mo rin ako ng resipe, Carol at panonorin ko ang pagluluto ninyo ng Pansit Bihon.
|