|
PAG-UUSAP:
Basahin ang dayalogo sa ibaba. Gamitin itong modelo para sa pagsasanay sa
pagsasalita.
Dispatsadora: Kumusta po sila? Mayroon po kaming sale ngayon sa mga bathing suit.
Ikaw Siyanga ba? O sige, patingin nga ako.
Dispatsadora: Mayroon po kaming one-piece at two-piece. Alin ho ang mas gusto ninyo?
Ikaw: Ano kaya sa palagay mo ang mas maganda?
Dispatsadora: Mas uso ho ngayon ang two-piece at mas dekalidad ho ito. Samantala, mas mura po ang
one-piece.
Ikaw: Ano ang kaibahan sa presyo nila?
Dispatsadora: Singkuwenta dolyares lang po ang “one-piece,” at setenta’y singko po ang “two piece.”
Ikaw: Aba, mas mura ng $25 ang ‘one-piece.’
Dispatsadora: Tama po kayo.
Ikaw: O sige yung one-piece na lang. Patingin ako ng small.
--------
Dispatsadora: Kasya ho ba iyang “one-piece?”
Ikaw: Oo, pero gusto rin itong “one-piece” na bulaklakin. Magkano ang dawalang “one-piece?”
Dispatsadora: Isang daan.
Ikaw: Wala na bang tawad? $75 na lang ang dalawa.
Dispatsadora: Naku, lugi ho ako.
Ikaw: Hindi bale na lang. Titingin ako sa iba.
Dispatsadora: Tekayo, sige po. Otsenta’y singko sa dalawa. Tapat na.
Ikaw: Okey. Buena mano naman ako.
---------------
Ikaw: Oo, o sige, bibilhin ko na itong dalawang ito.
Dispatsadora: Cash ho ba?
Ikaw: Hindi, ika-“card” ko na lang.
--------
Dispatsadora: Heto po ang resibo ninyo.
Ikaw: Salamat!
|