|
BABASAHIN 1:
Babasahin 1 Sipi mula sa tulang “Liham ni Pinay mula sa Brunei” ni Elynia Ruth Mabanglo.
Ako’y guro, asawa at ina. I’m a teacher, wife and mother
Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda, A woman—bedaubed with perfume
powder and silk
Kaulayaw ng batya, kaldero at kama. Intimate with the tub for washing clothes, pot and bed
Napagod yata ako’t nanghinawa, I guess I grew tired and bored
Nagsikap mangibang-lupa. endeavored to go abroad
Gawain A
Sabihin kung pangungusap o parirala. Kung ang sipi ay parirala, isulat muli para magkaroon ng ganap na kaisipan.
- Ako’y guro, asawa at ina. May paksa at panaguri ba? _________________________
- Isang babae—pupol ng pabango, pulbos at seda________________________
- Kaulayaw ng batya, kaldero at kama_________________________________
- Napagod yata ako’t nanghinawa_____________________________________
- Nagsikap mangibang-lupa__________________________________________
Pag-unawa
- Nasa anong panauhan ang tula? ______________________________________
- Anong mga salita ang ginamit na tumutukoy sa isang babae?_________________________________________________________
- Anong mga salita sa sipi ng tula ang neutral at walang kasarian?_______________________________________________________
- Sa anu-anong mga bagay iniuugnay ang babae?__________________________________________________________
- Bakit nangibang bayan ang persona sa tula? Pangatwiranan ang sagot.___________________________________________________________
Pagpartnerin ang mga mag-aaral. Ang estudyante 1 ay susulat ng tungkol sa babae mula sa pananaw ng babae. Ang estudyante 2 naman ay susulat ng paglalarawan ng babae mula sa punto de bista ng lalaki. Kung kakaunti ang lalaki o babae, isulat ang mga palasak na isteryotipong nauukol sa kasarian ng babae. Irereport sa klase ang kinalabasan ng paglilista ng dalawang estudyante. Pagkatapos, magbubuod at tatalakayin ang implikasyon ng mga puntong lumabas pagkatapos. Gamitin ang diksyunaryo sa aktibidad na ito.
(Work in pairs. Student 1 will write about women from the point of view of women. Student 2 on the other hand will write about women from the point of view of men. If the the number of male and female members are uneven, just work on the common stereotypes pertaining to females. The students then report to the whole class on the list that they were able to generate. For debriefing, the whole class summarizes and classifies the comments and discuss the implications of the lists generated. Use the dictionary for this activity. This may be done with students writing about men from the point of view of men.)
|