|
BABASAHIN 3:
Kay Hari sa iyong ika-8 taon sa mundo
To Hari on your eight year in the world
Naka italics ang literal na salin sa Ingles.
Mapalad ang mga batang nasa mariwasang bayan
Fortunate are the children in a rich country
Napapalawak ang isipan ng agham at ng yaman
Their minds widened by science and wealth
Naaarok at namamasdan ang katotohanang nasa kabila
Understand and perceive truth behind
ng kariktan ng kalangitan;
the beauty of heavens
Nasisisid ang kailaliman ng pusod ng karagatan.
Can fathom the depths of the ocean.
Samantalang ang mga abang paslit, kapos-palad sa mga bayang isinumpa sa kahirapan
Whereas the poor children, unfortunate in the countries cursed by poverty
Nakayapak na sinusuysoy ang makitid,
Barefoot toeing the narrow
maputik na landas ng pilapil sa tubigan ng palayan
muddy strip of soil in the rice puddy
Lupa ang katalik ng mga paang sa yapak ng ninunong magsasaka ay malamang na
The feet intimate with soil following the footstep of the ancestor farmer
siyang hahantungan ng kapalaran
which probably be his same destiny
Sinong makakasayod ng kanilang kadahupan?
Who can understand completely their want?
mapalad masuwerte fortunate
mariwasang mayamang wealthy
bayan bansa country, nation
isipan diwa, kamalayan mind, thought
agham siyensiya science
yaman salapi wealth, money
naaarok nauunawaan able to understand
namamasdan nakikita can be seen, observed
katotohanang katunayang truth
kariktan kagandahan beauty
kalangitan; kalawakan heavens
katalik kaulayaw, kasama intimate with
yapak bakas foot steps, foot prints
ninunong ingkong, lolo ancestor, grandfather
magsasaka magbubukid farmer
malamang marahil maybe, probably
makakasayod makaiintindi to understand completely
hahantungan destinasyon destination , goal
kadahupan kahirapan poverty
makitid makipot narrow
landas daan way
Una babasahin muna ng guro ang tula. Pagkatapos, babasahin nang malakas ang tula ng mga mag-aaral.
First, the teacher models reading the poem. Afterwards, the students will read the poem aloud.
Pag-unawa. Isulat muli ang tula subalit palitan ang mga salitang naka bold ng kasingkahulugan nito. Kunin sa talasalitaan ang mga sinonimo.
Rewrite the poem by changing the words in bold to their synonyms. Consult the previous list of vocabulary for the synonyms.
Mapalad ang mga batang nasa mariwasang bayan
Napapalawak ang isipan ng agham at ng kayamanan
Naaarok at namamasdan ang katotohanang nasa kabila ng kariktan ng kalangitan;
Nasisisid ang kailaliman ng pusod ng karagatan at nakakaulayaw ang mga nilalang
sa diwang nakikiliti ng batubalani ng kabihasnan
Samantalang ang mga abang paslit, kapos-palad sa mga bayang isinumpa sa kahirapan
Nakayapak na sinusuysoy ang makitid at maputik na landas ng pilapil sa tubigan ng palayan
Putik ang katalik ng mga paang sa yapak ng ninunong magsasaka ay malamang na siyang hahantungan ng kapalaran
Sinong makakasayod ng kanilang kadahupan?
Pagsulat
Ipagpareha ang mga estudyante at sumulat ng isang paghahambing at pagtatambis ng isang batang-lunsod sa Amerika at isang batang laki sa probinsiya batay sa babasahin 3. Pwede ring ipagtambis ang batang mayaman at batang mahirap. Maaring magsaliksik sa internet tungkol sa Smokey Mountain o Payatas sa Pilipinas. Tinganan ang halimbawa sa susunod:
Work by pair. Compare and contrast a city-bred child in the United States and a child raised in the province or slum dwellings in the Philippines based on the poem. You can also contrast a rich kid and a poor child. You can research on the internet on Smokey Mountain or Payatas in the Philippines. See following example.
Nagugutom ako Nagugutom ako
Hamburger o hot dog tuyo at kanin
Ayoko kahit ano
Busog ang tiyan walang laman ang sikmura
Busog ang isipan ng mga tiyanak at tikbalang
Ng cartoon at siyensiya laruang galing sa basura
Batman at Titans ang kaulayaw ang kasama sa isipan |