Unit 9 - Panitikan at Sining (Literature & Art)

home > unit 9 >

 

BALARILA:

 

Paraan ng Pagdebelop ng Sulatin

  1. Paglalarawan  - Description
  2. Pagsasalaysay - Narration
  3. Paglalahad - Exposition
  4. Pagbibigay kahulugan - Defining
  5. Paghahambing at pagtatambis – Comparison and Contrast
  6. Pangangatwiran - Reasoning

 

Paglalarawan (Description)
            Ang paglalarawan ay sulating kakikitaan ng paggamit ng limang pandama:  Maaring ilarawan ang nakikita ng mata, ang naaamoy ng ilong, ang nararamdaman ng balat o ng katawan, ang nalalasahan ng dila, naririnig ng tainga.  Dahil naglalarawan, gumagamit ng mga pang-uri na magbibigay hugis at kulay sa isang bagay, panahon o damdamin.
             (Description is a form of writing that uses the five senses.  The writing could depict what the eyes can see, what the nose can smell, the feel to the touch, taste, and describe sound.)

Halimbawa: 
            Maliit siyang babae, siguro mga apat na piye at labing isang pulgada lamang ang taas niya.  Medyo bilugan ang katawan niya pero hindi mataba.  Maputi ang kanyang balat at itim ang maikli niyang buhok na medyo kulot.  Palagi siyang nakabistida na mga kulay pastel.
            (She is a petite woman, maybe about 4 feet ’11 inches tall.  She has a round body but not plump.  She has a fair complexion and has short black wavy hair.  She always wears pastel-colored dresses.)

            Pisikal na anyo lamang ang inilalarawan sa itaas.  Tingnan ang kasunod na halimbawa mula sa panulat ni Dr. Prospero R. Covar na may pamagat na “Mukha.”.  Inilalarawan nito ang pisikal na kaanyuan ng ilong maging ang gamit nito.
            (Only the physical appearance is being described above.  Let’s read the next example from the work of Dr. Prospero R. Covar entitled “Face.” It describes the physical form of the nose as well as its function.)

Ilong
Nose
May matangos ang ilong,
There are those who have aquiline nose
May pangong ilong.
Others are flat
May ilong na gumagapang sa pisngi.
Some nose crawl on the cheeks
Pangsinghot, pangsinga,
For sniffing, for blowing
Pambahing, panghatsing.
For sneezing
Katulong na bahagi sa paghinga.
A (body) part used for breathing.
Pang-amoy
For smelling
May ilong na nangingintab
Some noses are shiny
May parang lorong ilong.
Some look like a parrot’s beak.

 

Pagsasalaysay (Narration)
            Ang pagsasalaysay ay isang anyo ng pagkukuwento tungkol sa sariling karanasan o tungkol sa karanasan ng ibang tao.  Ginagamit ito sa mga alamat, epiko, kuwento at nobela.  Maaring sa unang panauhan nagkukuwento o sa ikatlong panauhan o sa punto de bista na nakapaglalagos-lagos sa kamalayan ng mga tauhan.  Tingnan ang sumusunod na halimbawa na sinipi mula sa dulang sinulat ni Manuel Pambid na “Canuplin.”Sa anong panauhan o punto de bista ang pagsasalaysay tungkol sa buhay ni Canuto Francia, ang Charlie Chaplin of the Philippines?
            (Narration is a form of story telling about one’s own experience or about the experience of other people.  It is a device most commonly used in legends, epics, stories and novels.  The point of view of the story may be in the first person or third person or have the omniscient point of view.  Let us look at the following example taken from the play by Manuel Pambid entitled “Canuplin.”.  From what point of view is the story of the life of Canuto Francia, the Charlie Chaplin of the Philippines told?)

Halimbawa
           
KORO:  Sa pagkamatay ng kanyang ina, lalong naging mahirap ang buhay ng batang si Canuto.  Lungkot, gutom, hirap at sakit.  Subalit kailangang mabuhay kaya’t nagsikap siya.  Naglimpiya bota siya, sa pag-aakalang sa maliit na kinikita nito’y makasasapat na upang mabuhay siya. 
           
            (At his mother’s death, life for the young Canuto became even more difficult.  Grief, hunger, pain and sorrow.  But he needed to live so he worked hard.  He became a shoe shine boy, in the hopes that with his meager earnings, he would be able to get by.)

KORO:  Subalit ang panahon ay mabilis na nagbabago.  Lalong humihirap dahil sa pagtanggap ng mga Pilipino sa mga produkto ng Amerikano, sa uri ng pamumuhay na pilit iginagaya sa mananakop; at sa uri ng pulitika na siyang pinamamayani ng mga Amerikano.  Nagkaroon ng iba’t ibang hugis ang pananakop:  Sa anyo ng librong Inggles, tsokolate, mansanas, at marami pang iba.
           
            (But the temper of the time was fast changing.  It was becoming more oppressive because of the Filipino’s patronage of American products, emulation of the colonizer’s way of life that they so desperately want to copy, and the kind of politics that the Americans are perpetuating.  Colonization took on different forms.  In the form of books written in English, chocolates, apples, and many more.)

KORO:  At higit sa lahat, ang pananakop ay nag-anyo sa hugis ng silent movies.  Sa panahong ito sumikat si Charlie Chaplin.  Pinilahan sa mga takilya.  Naging idolo ng karamihan.  Naging idolo ng batang si Canuto.
           
            (And most of all, subjugation came in the form of silent movies.  At this period in time, Charlie Chaplin became a star.  (He) was a box office hit.  (He) became the idol of the young Canuto.)

 

Halimbawa:
Ang sipi ay mula sa aklat na Anting-Anting o Kung Bakit Nagtatago sa Loob ng Bato si Bathala.  Ang sumusunod ay paglalahad ng pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa paglikha ng anting-anting.  Hindi maaaring pagpalitin ang ayos ng mga pangungusap sapagkat nakasalalay ang susunod na gagawin sa sinundang pangungusap.  Hindi pwedeng magsimula ang talata sa katapusang pangungusap pabalik sa unahan.

(The quotation is from the book Amulet or Why the Tagalog God, Bathala is Hiding Inside the Stone.  The following is an explanation of the succession of steps in manufacturing amulets.  The order of the sentences cannot be interchanged since the next step depends on the previous one.  The paragraph cannot begin with the last sentence and end with the first sentence.)
           
“Ang unang ginawa ni Mang Ben ay nilagare sa tatlo ang buong palayok.  Pagkatapos ay pinaaandar niya ang compressor.  Kinuha niya ang isang bahagi ng palayok, inilagay doon ang mga piraso ng tanso, at isinalang sa apoy.  Isang plais ang ginamit ni Mang Ben upang ipitin at hanguin sa apoy ang palayok na may nagbabagang tunaw na tanso.” (Pambid 52)

(The first thing that Mang Ben does was saw the clay pot into three parts.  And then he turned on the compressor.  He took one piece of the clay pot, placed the pieces of bronze in there, and placed it on fire.  He used a pliers to remove the piece of clay pot with the molten bronze from the fire)

Pagbibigay kahulugan (Defining)

Halimbawa:

Sa sumusunod na sipi, bibigyang kahulugan ni Bulosan ang salitang “Amerika” sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga partikular na paglalarawan ng iba’t ibang mga taong matatagpuan o nakatira sa Amerika.
      (In the following quotation, Bulosan defines the word “America” by enumerating specific images of different people living in America.”

Mula sa Nasa Puso ang Amerika ni Carlos BulosanSalin nina Carolina S. Malay at Paula Carolina S. Malay

      “Gayundin, ang Amerika ay ang dayuhang walang pangalan, ang taong nakikisilong dahil nawalan ng bubong, ang batang nagugutom na nagmamakaawang magtrabaho, at ang bangkay ng Itim na ibinitin sa sanga ng punungkahoy.  Ang Amerika ay ang imigranteng mangmang na nahihiya dahil ang mundo ng mga libro at pagkakataong intelektwal ay sarado sa kanya.”  (258-259).

 “America is also the nameless foreigner, the homeless refugee, the hungry boy begging for a job and the black body dangling on a tree.  America is the illiterate immigrant who is ashamed that the world of books and intellectual opportunities is closed to him.” (189)

Paghahambing at Pagtatambis (Comparison and Contrast)
Sa panulat na ito, gumagamit ng mga salitang pahambing na gamit sa paglalarawan ng kaantasan o kasidhian ng pang-uri tulad ng mga sumusunod:  kapwa, parehong, hindi kasing, kaysa kay o magkasing ang dalawang bagay na ihinahambig.  Sa pagtatambis naman ay ginagamitan ng pangatnig na samantala, ngunit, datapuwa at subalit.
            (In this type of  writing, the words used to indicate degrees of adjectives in the comparative degree are used:  both, similar, not as, than, as____ as ____.  On the other hand, in contrasting the conjunctions “while, but, yet, and however.)

            Kapwa kinikilalang mahusay na Pilipino-Amerikanong manunulat sina Carlos Bulosan at Jose Garcia Villa subalit magkaiba ang paksain ng kanilang mga sinusulat.  Ang panulat ni Bulosan ay naglalarawan sa mga karanasan ng mga manggagawang Pilipino sa Amerika samantalang ang kay Villa naman ay tungkol sa mga abstraktong konsepto na may kinalaman sa kadalisayan ng sining.  Ang akda ni Bulosan ay nakikisanagkot sa lipunan samantalang ang kay Villa ay laan para sa sining lamang.
           
(Both Carlos Bulosan and Jose Garcia Villa are acknowledged Filipino-American writers but their subject matters vary.  Bulosan’s work depicts the experience of Filipino workers in America while Villa’s deals with abstract concepts that concerns with the purity of art.  Bulosan’s work is concerned with society while Villa’s is intended for art’s sake alone.)

            Ang paghahambing at pagtatambis ay hindi lamang sa panulat sa panitikan ginagamit kundi maging sa praktikal na pang-araw-araw na buhay.  Kung bumibili tayo ng isang bagay, tumitingin tayo sa dalawa o tatlong kaparis nito at ipinaghahambing natin ang yari, materyal, husay, at presyo ng bibilhin upang makapili ng pinakamahusay.
           
            (The use of comparison and contrast is not limited to literature but to practical everyday life as well.  If we are buying something, we compare two or three of the same item and contrast the craftsmanship, material, quality, and price of the merchandise to arrive at the best buy.)

Pangangatwiran

Sa katutubong panitikang pasalita, ng mga Pilipino, makikita ang likas na paraan ng pangangatwiran ng mga Pilipino tulad ng sumusunod na halimbawa ng salawikain.

(In indigenous oral literature of the Filipinos, one can get a glimpse of the native mode of reasoning of the Filipinos as can be seen in the following proverb.).

“Aanhin pa ang damo kung patay na ang kabayo?”  Sa ordinaryong pakahulugan, ang damo ay pagkain ng kabayo.  Sa loob ng argumentong ito, masasabi na wala nang saysay ang damo kung patay na ang kabayo.  Ang metapora ay maaring ilapat sa ibang mga sitwasyon sa buhay na may katulad na pangangatwiran, tulad ng tulong na parating subalit anong saysay nito kung hindi na ito magagamit ng nangangailangan ng tulong?  Tulad sa bugtong, ang pangangatwiran sa katutubong pamamaraan ay nasasalig sa kung ano ang naoobserbahan sa kalikasan.

“What use is the grass if the horse is dead?”  In simple explanation, grass is food for the horse.  According to the logic of this proverb, the grass has no use if the horse that needs it for food is dead. The metaphor can be extended to situations in life that follows the same logic like what use is the help that is on its way if the one who needs it cannot make use of it anymore?  Like in riddles, the indigenous line of reasoning follows the logic of nature.

Ang lohika sa salawikain ay tulad ng katutubong bugtong na nakasalalay sa nakikita sa kapaligiran at sa karanasan.  Ang mga ito ang lagakan ng henyo, talino at kaugaliang Pilipino.  Tingnan ang iba pang mga halimbawa:

(The logic in the proverb is similar to the native riddle that is based on what can be apprehended in the environment and experience.  These are the repository of native genius, intelligence and Filipino customs.  Here are other examples.)

“Kung ano ang puno, siyang bunga.”  Whatever the tree is, so shall the fruit.
[American equivalent: The apple doesn’t fall far from the tree]

“Kung maigsi ang kumot, magtiis mamaluktot.”  If the blanket is short, suffer the hardship patiently and bend to fit in.”

Sa mga pilosopo, kung maigsi ang kumot, maktwiran na dugtungan ito.  Pero ang sinasabi ng katwiran ng salawikain na ito ay ang katangian ng mga Pilipino na mapagtiis sa gipit na kondisyon hanggang sa maging mas maalwan ang buhay, at maaari nang umunat.

(To those who are wont to philosophize, if the blanket is short, it is just right to lengthen the blanket.  But what this proverb essays is the characteristic of the Filipinos who are patiently tolerant to hardship until life becomes more comfortable.)

Sa ordinaryong salitaan, ang pangangatwiran ay pagsagot lamang sa tanong na “Bakit?”
(In ordinary speech, argumentation is simply answering the question “Why?”)

Halimbawa: 

Bakit ayaw ko sa kakuwarto ko.  Una, kinakain niya ang pagkain ko sa repridyereytor at hindi niya ako tinitirhan ng kahit kaunti.  Pangalawa, hindi niya hinuhugasan ang mga pinggan na ginamit niya.  Pangatlo, laging huli siyang magbigay ng kalahati ng upa sa apartment namin.  Pang-apat, naninigarilyo siya sa loob ng kuwarto at nagpaparty sa apartment namin kahit na alam niyang may eksamen ako kinabukasan.  Kung kaya sa darating na pasukan, lilipat na lang ako ng ibang apartment at maghahanap ng ibang kakuwarto.

(Why I dislike my roommate.  First he eats my food in the refrigerator and does not leave a morsel for me.  Second, he does not wash the dishes that he used.  Third, he is always late with his share of the rent for our apartment.  Fourth, he smokes inside the room and holds parties in our apartment even though he knows that I have an exam the next day.  Therefore, in the coming school year, I will just move to another apartment and look for another room mate.)

Sa pagbubuod, ang mga sumusunod na iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahayag ay upang mabigyang hugis ang kaisipan at maging malinaw sa pakikipagtalastasan, sa panulat man o sa salitaan:
(To summarize, the following different means of expressions give form to ideas and clarity in written or oral communication.)

Paglalarawan,
Pagsasalaysay
Paglalahad
Pagbibigay kahulugan
Paghahambing at pagtatambis
Pangangatwiran

 

PAGSASANAY

Pagsasanay A

Uriin kung Paglalarawan, Pagsasalaysay, Paglalahad, Pagbibigay kahulugan, Paghahambing at pagtatambis o Pangangatwiran ang mga sumusunod na sipi:

(Classify the following according to the different means of expression:  description, narration, exposition, definition, comparison and contrast or argumentation.)

 

  1. May humahawak ba sa palayok na hindi nauulingan?_______________________(Sagot: pangangatwiran)
  2. Sa mga palabas na komedi, natatawa ang mga tao kung may bakla paris ni Dolphy, kung may nadarapa, kung pangit ang isang tao, o kaya, kung eksaherado ang kilos. ______________________(pagbibigay kahulugan)
  3. Ang unang ginawa ni Mang Ben ay nilagare sa tatlo ang buong palayok.  Pagkatapos ay pinaaandar niya ang compressor.___________________________(paglalahad)
  4. Kapwa kinikilalang mahusay na Pilipino-Amerikanong manunulat sina Carlos Bulosan at Jose Garcia Villa.___________________________(pagtatambis at paghahambing)
  5. Kung ano ang puno, siyang bunga._____________________________(pangangatwiran)
  6. Ang panulat ni Bulosan ay tungkol sa mga karanasan ng mga manggagawang Pilipino sa Amerika samantalang si Villa naman ay tungkol sa mga abstraktong bagay na may kinalaman sa kadalisayan ng sining._________________________(paghahambing at pagtatambis)
  7. Ang Amerika ay ang dayuhang walang pangalan, ang taong nakikisilong dahil nawalan ng bubong, ang batang nagugutom na nagmamakaawang magtrabaho, at ang bangkay ng Itim na ibinitin sa sanga ng punungkahoy.___________________(pagbibigay kahulugan)
  8. Noong unang panahon, nang wala pa ang mundo, may isang ibon na lilipad-lipad. _______________________________(pagsasalaysay)
  9. Maganda ang kanyang mukha, paris ng sa anghel.______________________(paglalarawan)
  10. May ilong na maliit, may ilong na pango, at may parang lorong ilong._______________________________(paglalarawan)
  11. Sa pagkamatay ng kanyang ina, lalong naging mahirap ang buhay ng batang si Canuto.____________________________(pagsasalaysay)
  12. Kapag kumukulo na ang mantika sa kawali, ilagay ang bawang._________________________( paglalahad)
  13. Makinis, kayumanggi at bilugan ang mukha ng dalaga.____________________________ (paglalarawan)
  14. Bakit dapat maghirap ang dukhang nagsisikap gayong ang ilang tamad, nahihiga sa sarap?_____________________________________(pangangatwiran)
  15. Mas maganda ang probinsiya kaysa sa siyudad.___________________________(paghahambing)
  16. Ang ngiti ay walang halaga subalit nakakagaan ng loob ng taong tumatanggap.______________________( pagbibigay kahulugan)
  17. Pula ang rosas._________________________(paglalarawan)
  18. Kasimpula ng dugo ang kalangitan.____________________________________(paghahambing at paglalarawan)
  19. “Ang Amerika ay ang imigranteng mangmang na nahihiya dahil ang mundo ng mga libro at pagkakataong intelektwal ay sarado sa kanya.” ___________________(pagbibigay kahulugan)
  20. Maganda nga siya pero masungit naman.  _____________________________________ (pagtatambis at paglalarawan)

Pagsasanay B.1

Kunin ang salitang-ugat ng mga sumusunod na pandiwa at ibigay ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa:

Salitang ugat

pawatas

Ingles

Perpektibo

Imperpektibo

Kontemplatibo

1.

 

 

 

humahawak

 

2.

 

To be smeared with charcoal

 

nauulingan

 

3.

 

To be sawed

nilagare

 

 

4.

 

To be turned on

 

pinaaandar

 

5. 

 

To be acknowledged

 

kinikilala

 

6.

 

To lose

nawalan

 

 

7. 

 

To be hungry

 

nagugutom

 

8.

t

To ask for mercy

 

nagmamakaawa

 

9.

 

To be hanged

ibinitin

 

 

10.

 

To be diligent

 

nagsisikap

 

11.

 

To lie down

 

nahihiga

 

12

 

To make light

 

nakakagaan

 

13.

 

To accept

 

tumatanggap

 

14.

 

To be embarrassed, feel shame

 

nahihiya

 

15.

 

To do the work of a shoe shine boy

Naglimpiya bota

 

 

 

 

Pagsasanay B.2 

Gamitin sa pangungusap ang isang aspekto ng bawat isang pandiwang binanghay sa Pagsasanay B1.  Use each verb in any aspect from Pagsasanay B1 in a sentence.

  1. __________________________________________________________________
  2. __________________________________________________________________
  3. __________________________________________________________________
  4. __________________________________________________________________
  5. __________________________________________________________________
  6. __________________________________________________________________
  7. __________________________________________________________________
  8. __________________________________________________________________
  9. __________________________________________________________________
  10. __________________________________________________________________
  11. __________________________________________________________________
  12. __________________________________________________________________
  13. __________________________________________________________________
  14. __________________________________________________________________
  15. __________________________________________________________________

Pagsasanay B 3

Ibigay ang katumbas sa Ingles ng mga sumusunod na mga salitang galing sa Ingles o Kastila.  Give the equivalent of the following terms in English.

1.  Pilipinas                                  __________________________ Philippines
2.  Amerika                                  __________________________ America
3.  Klase                           __________________________ class
            4.  Waw                            __________________________ wow
            5.  Filipino                                   __________________________ Filipino
            6.  Diksyunaryo               __________________________ dictionary
            7.  hayskul                                   __________________________ high school
            8.  kolehiyo                                  __________________________ college
            9.  awtor                           __________________________ author
            10.  nasyonalista                __________________________ nationalist
            11.  edukasyon                   __________________________ education
            12.  eskwelahan                  __________________________ school
            13.  gobyerno                                 __________________________ government
            14.  Ingles                           __________________________ English
            15.  puro                            __________________________ pure
            16.  literatura                                  __________________________ literature
            17.  komedi                        __________________________ comedy
            18.  pasensiya                                __________________________

 

 

Pagsasanay C

Doon po sa amin.  Igupo ang mga mag-aaral sa tig-aapat.  May isang tagasulat ng kalalabasan ng pag-uusap tungkol sa isa sa mga sumusunod na paksa: 1) nakakatawang pangyayari sa kani-kanilang mga lugar; 2) kuwento ng kabayanihan; 3) .kagandahang-asal.  Kung malaki ang klase, maaaring bigyan ng magkakaibang paksa ang bawat grupo.  Kapag nakatipon na ng mga dalawa o tatlo ang grupo, isulat ito sa anyong patula o pasalaysay at pagkatapos ay ibahagi sa klase.  Gamitan ng iba’t ibang uri ng pagpapahayag. 

Divide the class into groups of four.  There would be one recorder for each group.  The following topics can be assigned to different groups:  1) funny anecdotes from the place where they come from; 2) story of heroism; 3) story of kindness.  If the class is big, each group can be assigned a different topic.  Individual groups brainstorm and present to the class two or three stories in the form of a poem or a ballad.  Use different forms of expression.