|
KALINANGAN:
Nakatakas si Prometheus
Ano ang kinalaman ni Prometheus sa panitikang Pilipino?
Noong panahon ng Batas Militar na walang kalayaan sa pamamahayag, sa Pilipinas, lumabas ang isang tula sa Ingles na ang pamagat ay “Prometheus Unbound.” Si Prometheus ay isang Titan na nagmula sa isang mitong Griyego na nagnakaw ng apoy mula sa langit para magamit ng tao. Sa ginawa niyang ito, pinarusahan siya ni Zeus sa pamamagitan ng pagkakadena sa kanya sa isang malaking bato kung saan araw-araw ay kinakain ng isang buwitre ang kanyang atay na muling nabubuo sa gabi.
Lumabas ang tula sa magasing Focus Philippines, vol. 1, No. 35 noong ika-14 ng Hulyo, 1973, isang taon matapos ideklara ang Batas Militar. Sa umaga, nakabili pa ako ng magasin pero nang tanghali ay nawala na ang magasin sa mga tindahan. Basahin ang tula na isinulat ni Pete Lacaba na noo’y nagtago sa pangalang Ruben Cuevas at hanapin ang dahilan ng pagkumpiska ng mga sipi ng magasin. Damhin mo ang naramdaman ng mga taong nakabasa at nakakita ng ipinagbabawal ng sensura.
Tita Pambid
Prometheus Unbound
ni Ruben Cuevas
I shall never exchange my fetters
For slavish servility. ‘Tis better
to be chained to the rock than bound
to the service of Zeus.
Aeschylus, Prometheus Bound
Mars shall glow tonight,
Artemis is out of sight.
Rust in the twilight sky
Colors a bloodshot eye,
Or shall I say that dust
Sunders the sleep of the just?
Hold fast to the gift of fire!
I am rage! I am wrath! I am ire!
The vulture sits on my rock,
Licks at the chains that mock
Emancipation’s breath,
Reeks of death, death, death.
Death shall not unclench me.
I am earth, wind and sea!
Kisses bestow on the brave
That defy the damp of the grave
And strike the chill band of
Death with the flaming sword of love.
Orion stirs. The vulture
Retreats from the bard, pure
Thrust of the spark that burns,
Unbounds, departs, returns
To pluck out of death’s fist
A god who dared to resist. |