Unit 9 - Panitikan at Sining (Literature & Art)

home > unit 9 >

 

PAGTATANGHAL:

 

Pagtatanghal 1            Magsaliksik sa internet tungkol sa buhay ni Carlos Bulosan.  Sumulat ng iskit tungkol sa buhay niya batay sa nasaliksik.
                                   
                                    (Research the internet on the life of Carlos Bulosan.  Write a skit about his life based on what you found out in your research.)

Pagtatanghal 2            Bilang isang grupo, sumulat ng isang “spoken word” na anyo ng panitikan ns naglalarawan sa mga pagsubok sa buhay ng kabataan sa Amerika.  Magpraktis at pagkatapos ay itanghal sa klase.
                                   
                                    (As a group, write a poem in the form of a “spoken word” that describes the challenges in the lives of the youth in America.  Practice and then present your piece to the class.)

Pagtatanghal 3  Sabayang Bigkas
Ang gawaing ito ay upang malinang ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita at pagbigkas. Ang tula ay sipi mula sa panulat ni Jose Corazon de Jesus na sumulat din ng titik ng bantog na awiting “Bayan Ko.”

(This activity is to give students practice in oral speech and communication.  The piece is an excerpt from the poem of Jose Corazon de Jesus who also wrote the lyrics of the famous song “Bayan Ko.”)
Ang tula ay nasulat noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano at ang mga Pilipino ay naghuhumindik sa pagkawala ng kanilang kalayaan na nang lumaon ay ipinangako ng Amerikanong ipagkakaloob sa kanila kung natuto na ang bayan ng mga gawi ng demokrasya.

(The poem was written during American occupation of the Philippines and the Filipinos were protesting the lost of their independence which the Americans later promised to give them if the nation would have learned the ways of democracy.)

Kung malaki ang klase, hatiin ito sa apat na grupo.  Bawat isang grupo ay bibigkas ng isang saknong at magbibigay ng sariling interpretasyon nito.  Maaring samahan ng kilos, tunog, larawan o larawang guhit o anumang maisipan ng bawat grupo na magpapalinaw ng kahulugan ng saknong.  Hanapin ang kahulugan ng mga salitang hindi nauunawaan at talakayin sa grupo sa tulong ng guro ang kahulugan ng buong saknong.  Ibahagi sa klase ang kahulugan sa pagtatanghal.

            (If the class is big, divide the class into four groups.  Each group will recite one stanza and render their own interpretation.  You are free to give reign to your creativity through movement, sound, images or drawings that would help illuminate the meaning of the stanza. Use the dictionary to find the meaning of the words that you don’t understand and discuss in your group with the help of your teacher the meaning of the whole stanza.  Share with the meaning with the whole class during the presentation.)

Imperyalismo
ni Jose Corazon de Jesus

Sipi ng mga saknong na 1, 2, 5 at 6.

Ingles naman ngayon itong salitaan,
Lalo pang lumayo yaong Kasarinlan;
Matuto ng Ingles itong Kapuluan,
Mawalan ng Wikang katutubo’t mahal;
Mag-Amerikano sa kaugalian,
Mag-Amerikano pati kabastusan,
Mag-Amerikano gayong hindi naman,
Isang utos itong napakahalimaw!

Pilitin ang bayan, nang upang lumaya’y
Papagsalitain ng di niya wika:
Imulat ang mata sa kilos masagwa,
Edukahin tayong parang gagong bata.
Ito’y gawa lamang noong mga bansa
Na lubhang salbahe, makamkam, masiba!
Walang katuwiran ang may ganyang diwang
Ululin ang bayan sa pangakong pawa.

……………………………………………..

Pipilitin ngayong matuto ng Ingles
Ang bayang ang nasa’y Paglayang matamis;
Pipilitin ngayon dila’y mapilipit
Nitong mga taong dila’y matutuwid;
Pipilitin ngayon kami ay mapiit
Hangga’t di matuto na uminggles-ingles;
Saka pagkatapos, pipintasang labis,
Inyong sasabihing kami’y batang paslit!

Tarantado na nga itong daigdigan!
Tarantado na nga itong ating bayan!
Kung anu-ano na iyang kahilingan,
Tapatang sabihin, na ayaw ibigay.
Pagkat dito’y inyong kinakailangang
Maging dambuhala ng pangangalakal!

PROYEKTO

  1. Mag-interbyu ng magulang o mga nakakatanda tungkol sa kanilang pagpunta sa Amerika  at ibahagi sa klase . Maaring gawing tula o maikling-maikling kuwento.
  2. Magsaliksik sa komunidad ng maiinterbyu na manunulat sa Filipino.  Kung maiimbitahang magbigay ng panayam sa klase ay mainam.
  3. Mangalap ng mga salawikain, kawikaan, awit, kuwento mula sa mga beterano ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, o mga matatandang kilala sa komunidad.

PAGTATASA

The learner will be evaluated in the following areas:

Poor – Fair – Good – Very Good     demonstrate clear and organized writing using simple                                                 narration, description, exposition, and argumentation


Poor – Fair – Good – Very Good     able to use new vocabulary words in expounding on a
poem by comparing and contrasting on the theme of the Unit


Poor – Fair – Good – Very Good     demonstrate correct pronunciation proper intonation, 
rhythm and sounds of Filipino

Poor – Fair – Good – Very Good     demonstrate historical insights into areas of                                                                                    Philippine Literature covered in this unit